Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon
Tracy Hizon Pia Jarantilla Nico Ralloza Julie Salvador Nigel Rodriguez Therese Panganiban Paul Eugenio
May 26, 2011
Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon
Ang nangungunang pilosopiya sa pamumuno at pamumuhay ng bansang Indonesia ay ang Pancasila. Ang Pancasila, sinusulat rin na Pantjasila, ay nagmula sa dalawang salita: panca, na ang ibig sabihin ay lima,
at
sila,
na
nangangahulugang
prinsipiyo.
Ang
Pancasila
ay
nagsasalaman ng limang prinsipyo na sinasabing hindi maipapaghiwalay at may relasyon sa isa’t isa. Ang sumusunod ang nakalahad sa Pancasila: 1. Ang paniniwala at pananampalataya sa isa, at isa lamang, na Diyos (Ketuhanan Yang Maha Esa). 2. Makatarungan at sibilisadong sangkatauhan (Kemanusiaan Yang Adil dan Beradab). 3. Pagkakaisa ng Indonesia (Persatuan Indonesia). 4. Demokrasyang ginabayan ng kadakilaan sa walang dudang pag-angat ng deliberasyon sa pagitan ng mga representante (Kerakyatan Yang Dipimpin oleh Hikmat Kebijaksanaan, Dalam Permusyawaratan dan Perwakilan) 5. Katarungang panlipunan para sa lahat ng mamamayan ng Indonesia (Keadilan Sosial bagi seluruh Rakyat Indonesia) Ang limang prinsipiyong ito, magmula noon, ang naging basehan ng bayan ng Indonesia. Sa konstitusiyon ng republika ng Indonesia na isinulat noong 1945, inilista ang limang prinsipyo sa naiibang kaayusan at natatanging mga salita: ang pagkonsulta sa paniniwala at hustisiyang panlipunan para sa mamamayan ng Indonesia. Para mas maintindihan ang pilosopiyang bumubuo sa Indonesia, kailangan nating balikan ang kanilang
kasaysayan para tunay na maunawaan ito. Ang Indonesia bago ang Pagsasarili Masasabing kalahating milyon na ang kasasayan ng Indonesia dahil iyon ang petsa na umaayon sa hominid fossils na natagpuan noong 1809 ni Eugene Dubois malapit sa Trinil Village, kanluran ng Java. Malaki at malalim ang epekto ng dagat sa kasaysayan ng Indonesia. Ang malawakang paglikas ng mga tao ay nagsimula noon pang 3000BK at nagpatuloy sa mahalagang bahagi ng tatlong libong taon. Hindi malaman ang eksaktong pinagmulan ng mga taong ito, kung sa Timog Tsina ba o sa mga isla sa Pasipiko. Dinala nila kasama nila ang kanilang wika, Awstronisiyano, subalit dahil dumating sila sa maliliit
na
grupo
at nagtaguyod
ng mga
matitirhan sa paligid
ng
dalampasigan na kung minsan ay nakikipamuhay sa malayong ninuno ng taong Java, ang wikang ito ay mabilis lumago na ngayon ay mayroon nang dalawang
daang
iba't
ibang
dayalekto,
lahat
ng
ito
ay
mula
sa
Awstronisiyano na ginagamit sa loob ng Indonesia. Ngunit, ang pambansang wika sa Indonesia ay ang Bahasa Indonesia o sa alam ng maraming dayuhan, Bahasa. Ang Bahasa Indonesia ay ginagamit sa pormal na pakikipagusap at naiintindihan ng sinuman sa buong kapuluan. Kasabay ng paglikas ng mga tao patungong Indonesia, ang mga naunang nanirahan ay lumayag papunta sa ibang bahagi ng mundo upang makipagkalakalan. Ang mga naunang tala nito marahil ay ang mga gawa ni Pliny Elder na ang Historia Naturalis ay mistulang tumutukoy sa kalakalan sa pagitan ng mga tao mula sa Indonesia
at mga kultura sa silangang Africa. Sa panahong ito dumating ang Hinduismo sa Indonesia kaakibat ng pagdating ng mga mangangalakal ng India. Sa kabila nito, ang tunay na halaga ng Hinduismo ay pumunta sa Indonesia sa mas huling panahon pa para sa gawain ng misyonerong Brahman. Siguro sa ikalimang siglo, sa swerte ng pagkakataon, ilan sa mga simpleng alituntunin ng Hinduismo ay maganda ang pagkakaayon sa mga nalalabing sumasamba sa bundok na Indonesian at ang natatangi't kakaibang pagkakahalo ng relihiyon ay nabuo. Sa panahong ito, ang Tsina ang pangunahing kalakaran ng Indonesia.
Dahil dito, ang impluwensyang Budhismo ay sumali sa
kwento. Hanggang marahil sa huli ng ikapitong siglo, ang mga tao ng Indonesia ay nanatili bilang maraming maliliit na komunidad, nangangalakal at kung minsan ay nakikipaglaban sa isa’t isa. Ngunit magmula noon, isang malaking kaharian ng Budhismo, ang Sriwijaya, ay itinaguyod ang sarili sa kanyang gitna siguro sa kanluran lamang ng Palembang, sa Sumatra. Mistulang ang mga pinuno ng Srivijaya ay mayroong maraming kayamanan bunga ng malawakang kalakalan at dakilang industirya sa rehiyon. Sa dulo ng ikapitong siglo umusad ang kaharian upang sakupin ang lahat ng maliliit na komunidad sa paligid ng hilagang dalampasigan ng Sumatra at kumupit ng monopolyo ng malagong kalakalan ng Tsina. Ang mga Maharajah ay gumawa ng maraming kasunduan sa mga tao sa maliliit na isla sa rehiyon nang sa gayon hindi mapano ng mga barkong pangkalakal. Sa ganitong paraan nabuhay ang kaharian hanggang ikasampung siglo. Naging maluwag para sa
mga Intsik para makipag kalakal sa sentro lamang, subalit ang mga Instik ay nagsimulang makipagkalakal sa local na produksyong sentro sa ibang lugar sa rehiyon at maliit lamang ang magagawa ng Sriwijaya upang pigilan sila. Maaaring ang kaharian ay nadala hanggang ika-14 na siglo ngunit sa panahong ito ang kapangyarihan nila ay mukhang balewala. Sa kabilang dako, mula sa ikawalong siglo, pinamunuan ang sentro ng Java ng prinsesa ng Sailendra. Ang kanilang maliit na kaharian ay mayaman sa agrikultura at kaya nilang magpasasa sa monumentong pangrelihiyon. Ang malawak na sanktuwaryo at gusali ni Borobodur ay ginawa limampung taon na ang nakalilipas mula sa katapusan ng ikawalong siglo. Ang templo para kay Siva sa Prambanan ay sinimulang gawin noong parehong panahon sa pagawa ng Borobodur ngunit ang mga manggagawa para dito ay hindi ang mga Sailendras. May nangyari marahil noong ikasampung siglo dahil biglang natilig ang produksyon ng mga monumento, kasulatan at iba pang makasaysayang bagay sa sentro ng Java. Noong 1268, ang hari ng Java na si Haring Kertanagara ay napunta sa trono at sa loob ng ilang taon, pinalawak nya ang kanyang kaharian hanggang sa timog Sumatra, kaharian ng Malayu. Pinatapon at pinatay noong 1292 pero hindi bago ang kanyang pagkakamali na pinadala niya ang mensahero ni Kublai Khan pauwi kasama na dito ang putol niyang ilong at ang “no” na tato sa kanyang noo. Nang dumating ang ekspedisyong Mongol sa Java, dinispatya ng manugang ni Kertanagara na si Kertarajasa ang hari. Gumamit siya ng diskarte upang pigilian ang banta mula sa ibayong dagat at
pagkatapos nito, inayos niya ang kanyang bagong kapitolyo sa Majapahit. Si Kertarajasa at ang kanyang mga tagasunod ay dahan-dahang nagpalaganap ng kapangyarihan sa karamihan ng Indonesia maging sa ilang bahagi ng Malaysia. Noong ika-11 siglo, dinala na mga mangangalakal ang Islam sa kapuluan.
Nang tanggapin ng mga Indonesian ang naunang Budhismo sa
kanilang pangangailangan at paniniwala, tinanggap din nila ang Islam ng lubusan sa kanilang sariling termino.
Subalit walang sentro ang Islam sa
kulturang Indonesia. Ang impluwensiyang kalat na ito ay nagdulot ng matinding kahinaan noong dumating mga Dutch. Hindi ang mga Dutch ang mga unang Europeo na umokupa sa Indonesia. Ang mga Portuges at mga Briton ay nauna na bago sila, subalit konting epekto lamang ang naidulot ng mga ito. Mula 1602 hanggang 1799, ang bansa ay pinamumunuan ng Dutch East India Company.
Sa dulo ng
taon, ang naghihingalong kumpanya ay napalala ng gobyernong Dutch. Ang mga pondo nito ay mabilis na nabawasan dahil ang Indonesia ngayon ay kaya nang tumakbo sa sarili niyang paa at halos hindi na magpapaamo sa kolonyalismo. Nagtaguyod na sila ng daang pang kalakalan upang malihis ang Dutch East India Company. Kahit na may mga rebelyon, ang Indonesia ay nanatiling kolonya ng mga Dutch hanggang 1942. Sinakop ng mga Hapon ang kapuluan noong 1942 – 1945 bago bumalik ang Dutch at inako ang kanilang kolonya.
Sa dulo ng 1949, inatras ng Dutch ang kanilang
pamumuno sa buong Indonesia maliban sa Kanlurang Irian.
Noong 1956,
ang mga nalalabing alyansa sa Netherlands ay nahinto. Noong
1956,
pinakilala
ni
Sukarno
ang
konsepto
ng
Guided
Democracy, na nagsasabing itaboy ang anumang may kinalaman sa Kanluran. Isa sa mga pinakamalalang bunga ay ang mabilis na pagbaba ng ekonomiya. Sumapi ang Irian Jaya sa Indonesia noong 1963. Isang balak na coup noong 1965 ay natapos ng marahas, isang kampanya ng pagsira na nagpatuloy ng higit na mas bayolente ng mga awtoridad ng rehimen ni Heneral Raden Suharto na siyang nagpalaglag kay Sukarno noong 1966. Tinapos din ni Suharto ang kumprontasyon sa Malaysia na nagpursigi noong panahon ni Sukarno. Dinala niya ang Indonesia pabalik sa United Nations. Nakipagalyansa sila sa Papua New Guinea at noong 1975 sinakop nila ang Silangang Timor. Ang okupasiyong ito ay nagdulot ng maraming kawalag ng buhay at hanggang ngayon hindi pa rin kinikilala ng United Nations ang rehiyong Silangan Timor bilang parte ng Indonesia. Ang Pancasila Gaya ng lahat ng bansang napasailalim sa banyagang kapangyarihan at naging isang kolonya, iisa lamang ang pangarap ng Indonesia: kasarinlan. Ngunit ‘di katulad ng Pilipinas na dumaan pa sa sistema ng Commonwealth bilang “paghahanda para sa kasarinlan”, ang Indonesia ay hindi nagkaroon ng isang gobyernong transisyunal. Sa halip nito, noong taong 1945, itinatag ni Lt. Gen. Kumakichi Harada ng 16th Army ang Badan Penyelidik Usaha Persiapan Kemerdekaan Indonesia o ang Body to Investigate Efforts for Preparing
[Indonesian]
Independence
(BPUPKI)
upang
mamahala
at
maggabay sa mga hakbang nila patungo sa isang bansang may soberanya1. Sa mga talumpati at diskusyon sa mga pagpupulong nito lumabas ang Pancasila: isang idelohiya at pilosopiya; limang prinsipiyo na gumabay sa pagbuo ng Indonesia sa kung ano ito ngayon. Ang Pancasila ay isang kagamitang political at higit pa, ito’y lubhang dinamiko. Makikita natin sa mga sumusunod na bahagi na mula sa unang paglitaw niya hanggang sa kasalukuyan nitong anyo, nagkaroon ito ng mga ilang pagbabago at bukod pa rito, ang paraan ng paggamit nito bilang instrumento ng pamamahala ay nag-iiba din ayon sa nasa kapangyarihan. A. Ang Pancasila ni Sukarno Hindi lubusang klaro kung sino talaga ang lumikha ng Pancasila. Mismong si Sukarno, ang kinikilalang gumawa ng Pancasila ay nagsasabing ito’y naka-ugat sa mga tradisyunal na kaisipang Indonesian at sa kanyang salita, siya mismo’y "tagatuklas ng mga turo ng Pancasila" ("…discoverer [excavator] of the Pancasila teaching") lamang.2 Sinuman ang lumikha nito, unang opisyal na naiprisenta sa publiko ang Pancasila sa talumpati ni Sukarno noong Hunyo 1, 1945 (“The Birth of Pancasila Address” ang karaniwang tinatawag sa talumpating ito). Bilang isang bansang nasa harap na ng pintuan ng kasarinlan, lubos na mahalaga na mayroon silang bagay o ideya na makakapitan at magsisilbing gabay patungo sa soberanya. Sa kanyang talumpati, hiniram ni Sukarno ang mga Alemnyang terminong 1
2
Ang mga gawain ng BPUPKI ay nailipat sa Panitia Persiapan Kemerdekaan Indonesia o Committee for Indonesian Independence Preparation (PPKI) sa pamumuno ni Sukarno noong Agosto nang taong iyon. "Piagam Jakarta 22 Juni 1945 [The Jakarta Charter of June 22, 1945], under paragraph 1: The Shaping of Soekarno's Pancasila," p. 21. (Prawiranegara, 1984)
philosofische grondslag (pundasyonal na pilosopiya) at Weltanschauung (Pandaigdigang pagtingin o worldview). Ayon sa kanya, nangangailangan sila ng ganoon na kanilang mapagkakasunduan upang maitatag nila ang estadong
Indonesian
(Prawiranegara,
1984);
at
ang
magsisilbing
pangkalahatang haligi nila ang Pancasila3. Iniugat ni Sukarno ang Pancasila sa “tradisyonal” na pamamaraan ng pamamalakad na makikita raw sa mga nayon ng Indonesia. Ang
pangalan
ng
pilosopiyang
ito
na
tuluyang
magsisilbing
ideolohiyang pambansa ng estado, ay mula sa dalawang salita, Panca na ang ibig sabihin ay lima, at Sila, na ang ibig sabihin naman ay basehan o pundasyon. Noong Agosto 17, 1945, opisyal na idineklara ni Sukarno at ni Hatta ang kasarinlan ng bansa4; ang una ay nagsilbing presidente habang ang pangalawa ay nagsilbing bise presidente. Matapos nito, inilabas ang Konstitusyon ng Indonesia noong 19455 na ginagabayan ng pilosopiyang Pancasila at kung saan, sa mismong Preamble nito, nakasaad ang 5 prinsipyo. Mga Pormulasyon ng Pancasila Ang sumusunod ay ang pormulasyon at pagsasaayos ng Pancasila 3
4
5
Trankripsyon ng Talumpati ni Sukarno noong Hunyo 1, 1945, "20 Tahun Merdeka" [Twenty Years of Independence] R.I. Department of Information edition, 1965. (Prawiranegara, 1984) Subalit ilan bahagi ng teritoryo ng postwar Indonesia ay nakuha lamang nila mula sa mga Olandes noong 1950. Ang konstitusyong 1945 ay pinalitan ng konstitusyong Federal ng 1949 at ng konstitusyong Probisyonal ng 1950. Bumuo ng isang Constitutional Assembly noong 1955 upang makagawa ng tiyak na konstitusyon ngunit ito ay humarap sa maraming problema; dinisolba ito ni Sukarno at ibinalik niya noong 1959 ang konstitusyong 1945. Mula noon, ito na ang ginamit na konstitusyon ng Indonesia subalit dumaan ito sa ilang amendments sa ilalim ni Suharto at ang mga sumunod sa kanya.
ayon sa talumpati ni Sukarno noong Hunyo 1, 1945 (Salin ni Prawiranegara sa Ingles, 1984): 1. Nasyonalismo 2. Internationalism o humanitarianism 3. Konsutasyon, o demokrasya 4. Kabutihang panlipunan 5. Paniniwala sa iisang diyos Matapos
ang
ilang
konsultasyon
at
pag-uusap,
naiba
ang
pagkakasunod-sunod ng mga prinsipiyo pati na rin ang paraan kung paano sila isina-pangungusap: 1. Paniniwala sa isang Diyos, at ang obligasyon para sa mga tagasunod na sundin ang batas Shari'a ng Islam (Belief in God, with the obligation for its adherents of abiding by the Shari'a [laws] of Islam) 2. Makatarungan at sibilisadong sangkatauhan (Righteous and civilized humanity) 3. Pagkakaisa ng Indonesia (Unity of Indonesia) 4. Demokrasyang ginabayan ng kadakilaan sa walang dudang pag-angat ng deliberasyon sa pagitan ng mga representante (Democracy guided by wisdom in the consultations of [the people's] representatives) 5. Katarungang panlipunan para sa lahat ng mamamayan ng Indonesia (Social Justice for all the people of Indonesia) Nang ito’y inilagay sa Preamble ng kanilang konstitusyon, tinanggal
mula sa unang sila ang tungkol sa batas ng Islam at tuhan ang ginamit na salita para sa Diyos bilang ito’y nagsisilbing mas pangkalahatang termino. Ang Pancasila na lumabas sa Preamble ang gagamitin para sa papel na ito6. Sila
Ketuhanan
yang
Maha
Esa
- Paniniwala sa nag-iisang
makapangyarihan o kataas-taasang nilalang. Makikita dito na inilalagay sa una ang pagpapahalaga sa paniniwala sa isang diyos. Sa unang tingin, ang pagamit ng Kethuanan, na maaring isalin bilang “one God” ay pumapapel bilang isang pangkalahatan at neutral na termino. Samu’t sari ang mga relihyion sa Indonesia; nawa’y ipinapakita
ng sila na ito na ang estado
ay “hindi pumapabor” sa iisang pananampalataya lamang7. Sila
Kemanusian
yang
Adil
dan
Beradab-
Paninindigan
sa
pagpapanatili ng humanitarianism. Bilang ang tao ay tao na likha ng kataastaasan, hindi dapat pinapayagan ang kahit anong paglabag sa katauhan ng isang indibidwal gaya ng abusong pisikal at spiritwal o pagsasamantala ng sinuman. Ito dapat ay tinatamasa ng mga mamamayan ng Indonesia pati na rin ng mga banyaga sa loob ng bansa.
Makikita
na
malinaw
na
binabantayan ng sila na ito ang ilang karapatan pantao ng mga tagaIndonesia. Sila Persatuan Indonesia- Paninindigan sa pagkakaisa ng Indonesia. Gaya ng Pilipinas, ang Indonesia ay isang kapuluan na binubuo ng mga iba’t 6
7
Para sa diskusyon, ipapakita ang mga sila sa orihinal nitong wika at katabi nito ang pagsasalin. Ito’y sa dahilan na ayon sa batis, mayroon nawawala o hindi talaga nakukuha kung ang salin lamang ang ipinakita (Morfit, 1981) Ngunit kung sisiyasatin natin, ang pagkakaroon ng “…nag-iisang…” ay nagpapakita ng isang bias para sa monoteismo. Sa lahat ng sila, ito ang pinakatinututulan ng mga Muslim na pundamental sa dahilan na pinaniniwalaan nilang Islam dapat ang pananampalataya ng estado.
ibang kapuluaan. Sa loob ng mga ito ay naninirahan at nabubuhay ang napakaraming iba-ibang pangkat-etniko, relihyon, paniniwala at iba pa. Sa ilalim ng sila na ito, idinidiin ang pangangailangan ng pagkakaisa, na dapat patas
ang pagtingin
at pagtrato sa
bawat indibidwal
anuman
ang
pinanggagalingan nito. Makikita na ito’y paraan upang magbuklod ang mga hiwa-hiwalay at watak-watak na grupo ng Indonesia. Ito ang nagsisilbing “gabay” para sa nasyonalismo ng Indonesia. Sila Kerakyatan yang Dipimpin oleh Hikmat Kebijaksanaan dalam Permusyawaratan/Perwakilan-
Wastong
pamamalakad
ng
gobyerno sa pamamagitan ng konsultasyon (musyawarah) at pagdating sa nagkakaisang pinagkasunduan (mufakat). Ang mahalagang tingnan dito ay hindi lamang ito “majority wins” o kapakanan ng nakararami, idinidiin dito ang
lubusan
at
matinding
pagsisiyasat
hanggang
makarating
sa
pinakamabuting katapusan at sa pagkuha ng konsenso. Sila Keadilan Sosial bagi Seluruh Rakyat Indonesia- Paninindigan sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungang panlipunan. Sa madaling salita, ito ay nagsasabing dapat natatamasa ang pagkapantay-pantay sa pagtanggap sa mga panlipunang kayamanan, serbisyo, at pagkakataon. Bukod pa dito, ang lahat ng gawain ay dapat para sa ikabubuti ng bansa. (Ayon sa salin ng Morfit, 1981) B. Pancasila sa panahon ng Rebolusyon, Demokrasyang Parlyamentaryo at Guided Democracy Sa mga naunang taon ng pagdeklara ng kasarinlan ng Indonesia,
nakapagtatag sila ng isang republika sa bansa at tuluyang ipinaglaban ang kanilang
rebulusyon
upang
kilalanin
ng
mga
Olandes
ang
kanilang
kasarinlan. Bilang isang figurehead ng rebolusyon para sa kasarinlan, ginamit ni Sukarno ang mga prinsipyo ng Pancasila tila parang bandera ng kilusan,
isang
paraan
na
“mapagbuklod-buklod
at
mapagkaisa”
ang
Indonesia bilang iisang bansa. Bandang 1950’s, nang umalis na ang mga Olandes, nagkaroon ang Indonesia ng isang liberal na parlyamentong demokrasya.
Nakalikha
ng
bagong
konstitusyon,
ang
konstitusyong
probisyonal ng 1950, nagkaroon ng House of Representatives kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga iba’t-ibang partido na makilahok dito. Sa panahong ito, medyo naitulak papalikod ang Pancasila at mismong ang kapangyarihan ni Sukarno ay nabawasan kumpara sa kapangyarihan na taglay niya sa panahon ng 1945 konstitusyon. Inilabas ni Sukarno ang kanyang mga kritisismo at hinanakit ukol sa kasalukuyang uri ng gobyerno. Noong panahong iyon, maraming hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga partidong pulitikal pati na rin mga pagaalsa at rebelyon sa mga iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa taong 1957, indneklara ni Sukarno ang martial law sa Indonesia at pinaiiral ang tinatawag niyang Guided Democracy kung saan lumakas ang kanyang kapangyarihan (bilang autocrat). Sa porma nito ng gobyerno, nagkaroon ng isang National Council kung saan ang mga pangunahing partido lamang ang makikilahok. Kasunod ng pagdeklara ng Guided Democracy, ibinalik ni Sukarno ang 1945 konstitusyon, ang konstitusyong nakakapit sa Pancasila. Bukod pa rito, msa
paglalarawan ni Sukarno sa kayang pinapaiiral na demokrasya, isang demokrasyang
naghahalo
ang
nasyonalismo,
relihyon
at
komunismo,
makikita na ito ay nakabatay sa mga pundamental na ideya ng Pancasila. Ngunit sa panahong ito, mukhang sa papel lamang, o bilang ideya o konsepto
lamang
maganda
ang
Pancasila.
Lubusang
nahirapan
ang
pagpapapataw nito sa mga kongkreto at mabisang paraan at polisiya. Sa kaguluhan na sumunod, unti-unting hindi na naramdaman ang Pancasila; muli itong naibalik ng napunta ang kapangyarihan kay Suharto at ipinalaganap niya ang Pancasila Democracy. Oposisyon sa Pancasila Ang mga Muslim ang isa sa mga bumabatikos sa konsepto ng Pancasila. Para sa kanila, inaatake nito ang pundasyon ng kanilang pagkakakilanlan, partikular na ang konsepto ng pluralismo, kung saan tinatanggap ang ibat-ibang ideolohiyang pangrelihiyon. Ang unang prinsipyo ng Pancasila ay ang pananampalataya sa iisang diyos (Maha Esa), subalit hindi nakasaad kung sa aling relihiyon ito nakabase. Sinasalooban ng ideolohiyang ito hindi lang ang Islam, kundi pati na rin ang ibang mga prominenteng relihiyon tulad ng Kristiyanismo, Buddhismo at Hinduismo, ay namamayani sa Indonesia. Sa panahon ng pamahalaang Suharto, mariing tinutulan ng mga konserbatibong Muslim ang Pancasila dahil ayon sa kanila, ang Pancasila ay sumasailalim sa Islam, at hindi ang kabaliktaran; nilalagay raw nila ang Pancasila sa mataas na kapangyarihan kaysa sa Qur'an. Ayon din sa kanila, pinaghihiwalay nito ang relihiyoso at ang politikal na aspeto ng
Islam, o ang pagiging sekular. Para naman sa mga pulitikong Muslim, hadlang din raw ito sa kanilang napagkasunduan sa Jakarta Charter, kung saan ang mga Muslim na umayon dito ay obligadong ipatupad ang Shari'ah, o ang batas ng Islam; sinsira raw ng Pancasila ag obligasyong ito. Dahil sa opposisyong ito, nagkaroon ng mga mapayapa at madugong pagprotesta laban dito: Ibinasura ang Jakarta Charter, pati na rin ang kaatasan na ang ulo ng republika ay dapat Muslim. Mula 1948 hanggang sa unang bahagi ng dekada '50, nagrebelde ang Darul Islam sa paghahangad na magkaroon ng theokrasyang Islam at pagkakatatag ng isang estadong pang-Muslim. Nabuwag naman ang Constituent Assembly noong 1959. Ngunit sa huli, nabigo ang mga pagtatangkang ito. Sa pagkakatatag ng New Order, itinatag din ang Pancasila bilang ang kaisa-isang ideolohiya na dapat sundin, at maski ang PPP, ang partidong pulitikal ng mga Muslim, ay sumailalim dito. Subalit hanggang ngayon ay mga mga grupo parin na kumukontra rito. Isa na rito ay ang Jemaah Islamiyah, na siyang nagpatuloy sa mga naiwan ng Darul Islam. Konklusyon Hindi na kaila na sa isang bansa, maliit man o malaki, at binubuo ng iba’t ibang komunidad, kailangang pahalagahan ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa loob ng bansa. Sa ibang bansa, may posibilidad na bilang pagtugon sa pangangailangang ito ay gumawa sila ng proyekto o bagong paraan na ipakikilala sa mga mamamayan. Bilang mga namumuno ng bansa, natural na isipin nila sa kanilang pagdesisyon ang pinakamabuti, alinsunod
naman na kailangang kumilos ang mga mamamayan bilang paga sa mga pagsubok o pagbabago na magaganap. Mabuti na sa isang bansa tulad ng Indonesia, naisip ng mga namumuno na hindi basta-basta ang pagkakaroon ng pagkakaisa, lalo na kung hindi magiging alinsunod ang kultura na magiging pangkalahatan sa nakagawian na. Ang “Pancasila” bilang ideolohiya na binubuo ng limang prinsipyo “Ketuhanan o monoteismo,” “Kemanusiaan o unibersal na sibilisadong sangkatauhan,” “Kebangsaan o nasyonalismo,” “Kerakyatan o kinatawang demokratikong gobyerno” at “Keadilan Sosial o social justice” ay halimbawa na ng ganitong kaparaanan na ibinase ang sinusunod na ideolohiya sa nakagawian na. Sa Indonesia, Islam ang pinakalaganap na relihiyon. Ngunit, tulad ng ibang bansa, hindi lamang ito ang nag-iisa dahil hati-hati rin ang espiritwal na paniniwala ng mga taga Indonesia. Nariyan ang Hinduismo, Budismo at Kristiyanismo, dahilan na kung bakit sa Pancasila naging sekular na monoteismo ang Ketuhanan. Nagpapahiwatig ito ng pagkakakilanlan ng Indonesia bilang isang bansa na may “diverse society.” Sa
Kemanusiaan,
naipapakita
ang
pagpapahalaga
ng
mga
mamamayan ng Indonesia sa dignidad ng isang tao. Ayaw nilang naaabuso ang isang tao, pisikal man o ispiritwal. Diba nga’t kaya naging secular na monetismo ang Ketuhanan ay dahil na rin dito? Sa Kebangsaan, nariyan ang pagtanggap sa “Bahasa Indonesia” na kanila ngayong pambansang wika.
Ang Keadilan Sosial ay tumutukoy sa pagbahagi ng paggamit ng likas na yaman ng Indonesia para sa pinakaproduktibong resulta. Ang Indonesia, tulad ng ibang bansa ay gusto ring umunlad. Tulad rin ng ibang bansa, sinusunod ng estado ang isang napagkasunduang ideolohiya upang matugunan ang hangad na kapayapaan at kabutihan ng mga mamamayan. Hindi man laging payapa dahil hindi rin naman kaila ang mga kontrobersyal na diskusyon at argyumento ukol sa Pancasila, sinusubukan pa rin ng estado na mapabisa ang kaayusan. Bilang konklusyon, bagamat sinusunod ng estado ang kasalukuyang Pancasila, maraming kaganapan ang kanilang kinahaharap at isa sa mga posibleng maging desisyon ng bansa ang pagbabago sa Pancasila. Kung matuloy
na
magkaroon
ng
pagbabago
rito,
magiging
iba
rin
ang
pagkakakilanlan ng Indonesia. Di lamang sa Indonesia kung hindi sa ibang bansa direktang tumutukoy sa pagkakakilanlan ng bansa ang estado. At dahil ang Pancasila ang sinusunod na pilosopikal na ideolohiya ng estado ng Indonesia, natural lamang na isa itong primaryang elemento sa pagkakakilanlan ng bansa.
Mga Sanggunian "History of Indonesia." REGIT. Web. 25 May 2011.
. "Indonesia-Pancasila: The State Ideology." Mongabay.com. Web. 25 May 2011.
. "National Identity and Development in the Plural Society of Indonesia." Indira Gandhi
National Centre for the Arts - Indira Gandhi Rashtriya Kala Kendra
- इइइइइइ
इइइइइ इइइइइइइइइ इइइ इइइइइइ . Web. 25 May 2011.
. "Pancasila (Indonesian Political Philosophy) -- Britannica Online Encyclopedia."
Encyclopedia - Britannica Online Encyclopedia. Web. 25
May 2011.
. "Pancasila." Everything2. Web. 25 May 2011.
. Asvi Warman, Adam. “Insight: Four stages of Pancasila.” The Jakarta Post 6
January 2010. 2 May 2011
Frederick, William, and Robert Worden. "Indonesia: A Country Study." Country Studies. 1993. Web. 2
Federal Research Division of the Library of Congress, USA, May 2011.
.
Morfit, Michael. "Pancasila: The Indonesian State Ideology According to the New Order Government."Asian Survey 21.8 (1981): 838-851. Web. 26 April 2011.
.
Prawiranegara, Sjafruddin. "Pancasila as the Sole Foundation." Indonesia 38. (1984): 74- 83. Web. 26 April 2011.
.
van der Kroef, Justus. "Sukarno's Indonesia State Ideology According to the New Order Government."Pacific Affairs 46.2 (1973): 269-288. Web. 2 May 2011.
.