Paligsahan sa Pagsulat ng Tula Ito ay pagkakataon para sa mga manunulat ng tula upang maipakita ang kanilang natatagong talento sa larangan ng malikhain, kahanga-hanga at malamang pagsulat. 1. Ang naturang paligsahan ay bukas sa kahit sinong interesadong mag-aaral ng paaralang Sekundarya. 2. Hanggang tatlong kalahok lamang bawat paaralan ang pinapahintulutan. 3. Mga naturang mag-aaral ng Sekundarya lamang ng Quezon ang maaring makilahok. 4. Ang mga kalahok ay may anim na pung minuto(60 minuto) para tapusin ang tula. Pagkaraan ng anim na pung minuto, ang mga ginawang tula ay dapat ipasa tapos man o hindi; kung hindi, ang naturang kasali ay ilalahad na diskwalipikado. 5. Ang tema ay ibibigay bago opisyal na magsimula ang paligsahan. 6. Ang mga papel ay ibibigay ng mga komite. Ang numero ay ilalagay sa kanan sa itaas na bahagi ng papel na makukuha pagkarehistro ng pangalan sa paligsahan. Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang hindi kailangang marka ng identipikasyon; kung hindi, ang kalahok ay papatawan ng diskwalipikasyon. 7. Ang mga basehan sa pagpili ng panalo ay mga sumusunod: Daloy ng Kaisipan Balarila Orihinalidad Kabuuang dating
40% 20% 20% 10% 100%
8. Ang tatlong kalahok na makakakuha ng pinakamataas na puntos ay tatanghaling una, ikalawa at ikatlong puwesto sa pagbibigay karangalan.