HINDI NA BAHAY 'TO INTERNET CAFE NA! “Wala pang pagkain?! Bahay pa ba ‘to?” Sigaw ko sa kusina sabay kalampag ng mga pinggan at kaldero. “Inay, nagtatanim ka na naman! Makakain ba namin ‘yang mga pinagtatanim mo sa FarmVille? Pagbubunganga ko sa Nanay ko. “Pa-Tetris naman oh.” Hirit ko. “Tigil-tigilan mo ako dyan Totoy ha. Pagod ako sa maghapong paglalaba. Nag-a-unwind lang ako. At malalanta na mga tanim ko kaya nag na ako. Kaya ikaw na magsaing dyan. “Pa-Tetris muna. Isang level lang. Please!” Ungot ko. “Wala ka sa pila. Maglalaro pa daw si Kuya mo ng Clash of Clan pagkatapos ko dito.” Padabog akong bumalik ng kusina. Tiningala ko ang lagayan ng mga panggatong na kahoy. Walang kahoy. Sumandok ako ng tubig sa tapayan. Walang tubig. Inalog ko ang lalagyan ng bigas. Walang bigas. “Nasaan si Itay?!” Sigaw ko sa pagkainis. “Huwag mong hanapin ang nagdoLOLOL!” Pasinghal ding sagot ni Mamaw, ang kapatid kong baby bakulaw. “Apo, i-like mo naman bago kong profile pic sa FB. Tingnan mo na rin ‘yung cover photo ko sa timeline.” Lambing ni Lola Gets sa’kin. “Lola, binuksan ko na po FB mo. Di ko na ma-open profile nyo eh. Baka naman kasi kung anu-ano ang pinaglalagay ninyong pictures dun kaya nireport ng ibang s.” Natigilan siya. Tahimik. Guilty? “Hmp, inggit lang sila sa mga pose ko at mga lingerie na ginamit ko.” Weh! Lingerie? Spell lingerie. “Oo, lingerie na nabili ko sa ukay-ukay.” Lingerie galing ukay-ukay? Good luck sa singit mo Lola! Eh pa’no naman pose na ginawa mo? “Ah eh, ginaya ko lang naman ‘yung pose ni Kristine Reyes sa FHM.” Nagmuwestra ang mahadera kong Lola. Legs wide open, left arm down, right arm across the chest. Bongga di ba! “Lola Gets, na-blocked na po kayo.” What do you expect? “Bakit ganun? Paramihan pa naman sana kami ng “like” ng pictures ni mareng Ising.” “Ni Lola Ising? Naku naman Lola Gets, ia-unfriend kita pag nagka-FB ka ulit. At huwag na huwag mo akong ma-tag sa anumang pictures mo. Gets mo Lola?” Kaloka! Pilyang ngiti naman ang drama ng lola mo. “Kung na-blocked na FB ko, follow mo na lang ako sa Twitter.”
Aba, akalain mo ‘yan! Twitter daw. Nagmamaasim pa talaga si Lola! “Sige po. Ano Twitter name mo?” “I-type mo na lang
[email protected]. ” Pak! Pak na pak! “Lola, you already! Ikaw na! Eh sino naman mga pinafollow mo sa Twitter?” “Piling-pili ko lang. One Direction, Miley Cyrus, Kathryn Bernardo, at Enrique Gil.” Bakit mo pala naisipang mag-Twitter? Ako nga halos hindi ko nabubuksan ko. “Eh, kesa mangapit-bahay pa ako, sa Twitter na lang ako nakikipagtsismisan. International pa ang mga tsismosa. Syempre ako ang reyna! The fairest of them all.” Buti naman at nagka-Twitter na. Kasi noon, binabato bahay namin ng halos lahat ng kapitbahay kasi Lola ko ang pasimuno ng tsismis sa barangay namin. “Siyanga pala apo, ikaw na magsabi sa tatay mo na bumili na ng bagong camera para sa desktop natin. Di na kasi ako nakakagamit ng Skype. Dalawang buwan na. Baka hanapin na ako ni Hideyoshi. ” “Hideyos-ko! At sino naman siya sa buhay mo?” “Chatmate kong Hapon. Bakit ba.” Makalipas ang isang oras. “Nay, ikaw na lang ang hindi pa kumakain. Tama na ‘yang Facebook. Siguro naman nakapag-harvest ka na sa FarmVille mo.” “Tapusin ko lang itong isang level ng Tetris. Tatalunin ko kasi itong ka-match up ko.” Hala! Eh sino po ba kalaban nyo? “Si Gary, kaklase mo.” “Nay, naman! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan. Pa’no kung natalo ka nyan, baka ako ang asarin sa klase.” Pumasok ako sa kwarto at nag-lock ng pintuan. Madilim ang paligid sa paningin ko. Maitim ang mga balak ko. This has to stop! Hindi na bahay ‘to. Internet café na! Wala nang kaayusan sa pamamahay na ito. Mamayang gabi, puputulin ko ang kordon ng internet connection. Pupuntahan ko ang kapitbahay namin at pagsasabihang lagyan na ng ang Wi-fi para hindi na makasagap ng signal ang mga tao sa bahay. Bukas na bukas. Magbabago ang lahat.