Kaalaman Ukol sa Tuberculosis
Tuberculosis Nakakahawang sakit o impeksyong sanhi ng bakteryang Mycobacterium Tuberculosis Sa baga karaniwan ang sakit na ito pero pwede ring maaapektuhan ang ibang bahagi ng katawan.
Paano nagkaka-TB ang isang tao Kapag nakalanghap ng bakteryang may TB Ang bakteryang ito ay lumulutang sa hangin na kumakalat sa pamamagitan ng pagubo, pagbahing, o pagdura ng isang taong may TB. Hindi namamana ang TB. Ito ‘y nakakahawa lalo na sa mga kapamilya ng isang may sakit na TB. Hindi kumakalat sa dugo ang TB. Sino ang nagkaka-TB?
Kahit sino ay pwedeng magkasakit ng TB Mayaman, mahirap Bata, matanda Payat, mataba May bisyo, wala May malinis na pangangatawan o wala May mahinang pangangatawan o wala May sakit gaya ng AIDS (mas madaling nagkaka-TB) Mga madalas makasalimuha ng mga pasyente (mataas rin ang posibilidad na magka-TB)
Ano ang mga tanda at sintomas ng TB?
Ubong higit sa dalawang lingo, mayroon o wala man ang mga sumusunod: Plema na may bahid ng dugo Pananakit ng likod o dibdib Pagbaba ng timbang o pamamayat Lagnat sa hapon o gabi Paghihina at kawalang ganang kumain
Nagagamot ba ang TB? Oo, maaaring gumaling sa tama at araw-araw na pag-inom ng gamot sa loob ng 6-8 buwan. Dapat samahan ng masusustansyang pagkain, sapat na pagpapahinga, at tamang pamumuhay.
Nakakamatay ba ang TB? Kung ito ay hindi kaagad nasusuri at nagagamot Kung ang pasyente ay hindi sumusunod sa tamang paggamot o 6-8 buwan na paginom araw-araw ng TB drugs. Ang mabibigat na trabaho ba ay sanhi ng TB? Hindi sanhi ng TB ang mabibigat na trabaho. Kung ang resistensya ng isang tao ay bumaba dahil sa mabibigat na trabaho, mas malaki ang pagkakataon na siya ay magka-TB. Nakukuha ba ang TB sa sobrang pag-inom o paninigarilyo? Ang sobrang pag-iinom ng alak at paninigarilyo ay nakakapanghina ng resistensya. Kung mahina ang resistensya, mas malaki ang pagkakataon na magka-TB kung makakalanghap ng bakterya mula sa taong may sakit na Tb. May pagkakataon bang magka-TB muli ang pasyenteng nagamot na? Oo, kung bumaba ang kanyang resistensya at nakalanghap siya ng TB bakterya.
Kailangan bang ihiwalay ang mga gamit ng pasyente gaya ng kutsara, tinidor, pinggan at baso? Hindi dahil ang Tb bakterya aay nalilipat lamang sa pamamagitan nng paglanghap ng hangin na nagmula sa pag-ubo o pagbahing ng taong may TB
Okey lang bang makipagtalik ang isang taong may TB? Oo, ang TB ay hindi nakukuha sa pakikipagtalik. Puwede bang uminom ng alak habang ginagamot ang TB? Oo, pero mas makakabuti kung hinddi muna uminom ng alak habang nagagamot dahil may masamang epekto ito sa atay at nakakapanghina ng resistensya. Mas mainam din kung iwasan ang paninigarilyo dahil ito aay may masamang epekto naman sa baga. Puwede bang magpasuso aang pasyente na gumagamit ng anti-TB drugs? Puwedeng ipgapatuloy ang pangpapasuso ng nanay na gumagamit ng anti-TB drugs Ang nagpapasusong ina ay dapat uminom ng anti-TB drugs araw-araw sa loob ng 68 buwan.
Lahat ng anti-TB drugs ay magkatugma sa pagpapasuso. Ang sanggol ay dapat bigyan ng bakuna ng BCG pagkasilang bilang proteksyon sa malalang klase ng TB. Hindi dapat ihiwalay ang nanay sa kanyang sanggol at maari siyang mapadede sa karaniwang paraan.
Ano ang benepisyong makukuha sa bauna ng BCG? Ang BCG ay dapat na binibigay sa lahat ng bagong silang na sanggol. Ayon sa pag-aaral, ito ay bagbibigay ng 80% proteksyon laban sa mga komplikasyon dulot ng TB na tumatagal ng 15 taon kung ito ay naiibigaybago mahawaan ang bata ng TB. Ligtas ba ang mga buntis na gumagamit ng anti-TB drugs? Halos lahat ng anti-TB drugs ay ligtas para sa buntis maliban sa Streptomycin na maaring maging sanhi ng pagkabingi ng sanggol sa sinapupunan. Ang pasyente ay dapat mapayuhan na ang matagumpay na gamutan ay mahalaga para sa ligtas na pagbubuntis. Dapat na kumunsulta muna sa doktor bago uminom ng anti-TB drugs. Puwede bang magbuntis habang naggagamot ng anti-TB drugs? Mas mabuting hindi magpabuntis ang isang babae habang umiinom g anti-TB drugs ngunit hindi masamang uminom ng anti-TB habang buntis ang isang babae.
Maari bang gumamit ng babae ng oral contraceptive pills kung siya ay umiinom ng anti-TB drugs? Ang isang babae na umiinom ng anti-TB drugs ay may dalawang pagpipilian: Gumagamit ng pills na may mas mataas na estrogen batay sa reseta ng doctor, o Gumagamit ng ibang paraan ng family planning. Ang Rifampicin ay maaring makakabawas ng bisa ng pills. Puwede bang magtrabaho kahit ginagamot sa TB? Pwede, pero mainam ding magpahinga muna ng isa o dalawang buwan hanggang bumuti ang pakiramdam Bakit kailangan magpasuri muna ng plema at hindi na lang magpa X-ray kaagad? Sa pamamagitan lamang ng sputum exam nakikita kung mayaroong TB bacilli sa plema , at kung ito ay aktibo at nakakahawa. Ang mga “spot” na nakikita sa X-ray ay di laging nangangahulugan na ito ay TB o aktibong TB. Bakit kailangan 2 specimen ng plema ang ipasiuri?
Para makasigurado na tama ang resulta ng sputum exam (75%). Ang isang specimen ay hindi sapat para mapagtibay na may TB ang isang tao. Kung ako’y may TB, ano ang dapat kong gawin upang hindi mahawa ang pamilya ko?
Inumin lagi ang gamut. Takpan ng bibig at ilayo ang mukha sa kaharap kung umuubo. Huwag dudura sa paligid dumura sa isang natatakpang lalagyan. Kung maaari, matulog sa isang silid na malayang nahihingahan. Dinadala palabras ng hangin ang mga mikrobyo ng TB. Payuhan ang iyong pamilya na magpasuri sa TB.
Hindi kumakalat ang Tb sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Damit, tulugan, kasangkapan Malamig na pagkain Kontaminadong tubig Pag-apak sa plema o ihi Pagtatalik Malamig na klima Pag-iisip o depression Dugo
Kailangan ba ma ospital ang taong may TB?
Hindi. Karamihan sa mga pasyente ay maaaring gamutin sa bahay
Maliban sa mga:
Nahihirapang huminga Umuubo na may kasamang dugo Mahinang-mahina ang katawan Nangangailangan ng maraming pagsusuri
Kailangan bang uminom ng gamut ang mga kaanak at ibang kasama sa bahay upang maiwasang mahawa ng TB?
Ang maagang panggagamot upang makaiwas ay dapat gawin sa mga bata kung sila ay: Bagong nahawa Positibo sa tuberculin skin test at kulang sa nutrisyon, nagkatigdas, may pertussis, may leukemia, o nasa ilalim ng immune-suppressive therapy. Lahat ng kasama sa bahay na may malakas na reaksyon sa tuberculin skin test (10mm o higit pa) at may edad na hanggang 3-5 taon ay maaring uminom ng gamut upang makaiwas a TB.
Mas mabisa ba ang mga gamot sa Tb na inireseta ng mga pribadong doktor kaysa binibigay sa health center?
Ang mga anti-TB drugs na inireseta ng pribadong doktor ay pareho lang sa mga nakukuha sa health center Ang bisa ng gamut ay hindi nababatay sa kung sino ang nagrereseta. Ano ang rekomendadong gamutang pang-TB sa Pilipinas?
Tutok-Gamutan o DOTS (Direct Observed Treatment Short-course) Ano ang mangyayari kung ititigil ang gamot pagkalipas ng isang buwan? Magsisimula na naming dumami nang mabilis ang TB bacilli at lilitaw na naman aang mga palatandaan ng TB. Ang mga mikrobyo ng TB ay maaring lumakas laban sa mga gamut at magiging mahirap ang na gamuting muli (drug-resistant TB).
Paalala sa Pasyente
Kumunsulta sa health center kung may sintomas ng TB (ubong 2 lingggo o mahigit pa). Huwag mahiya, ang TB ay nagagamot. Gagaling ka kung walang tigil ang panggagamot sa loob ng 6-8 na buwan. Takpan lagi ang bibig kapag umuubo o humahatsing at ddumura lamang sa isang natatakpang sisidlan. Huwag itigil ang paggagamot kahit tumigil na ang pakiramdam. Ang mas mabuting pakiramdam ay hindi laging tanda na ikaw ay magaling na. Kumunsulta agad sa doktor kapag may kakaibang nararamdaman (side effects). Maaaring makihalubilo sa iyong pamilya at sumalo sa pagkain nila. Tandaan lang na kailangan mong inuming lagi ang iyong gamot. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Mga katungkulan ng Treatment Partner: Sino ang mga puwedeng maging Treatment Partner?
Health Staff Barangay Health Worker Community Family (least priority)
Mga katungkulan ang Treatment Partner:
Siguraduhing na iniinom ng pasyente ang mga gamot: Tamang gamot Tamang dosis Tamang oras Health Education Counseling (motivation)
Alamin kung may side effects ang mga gamot.
Mga mensahe para sa pasyente:
Ang taong positibo sa TB ay makakahawa ng 10-15 na tao ng 1 taon. Ang tutok-gamutan ang pinakamabisang paamamaraan sa paggamot ng TB. Kumunsulta sa health center kung may sintomas ng TB (ubong 2 linggo o mahigit pa). Huwag mahiya, ang TB ay nagagamot. Gagaling ka kung walang tigil ang paggagamot sa loob ng 6-8 na buwan. Takpan lagi ang bibig kapag umuubo o humahatsing at dumura lamang sa isang natatakpang sisidlan. Huwag itigil ang panggagamot kahit na umigi na ang pakiramdam. Ang mas mabuting pakiramdaam ay hindi laging tanda na ikaw ay magaling na. Kumunsulta agad sa doktor kapag may kakaibang nararamdaman (side effects) Maaaring makihalubilo sa iyong pamilya at sumalo sa pagkain nila. Tandaan lang na kailangan mong inuming lagi ang iyong gamot. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Kailangan ang regular na check-up at follow-up. Magbigay sa health center ng sputum specimen sa itinakdang schedule ng sputum follow-up exam, lalung lalo na ang huling follow-up exam upang malaman kung ikaw ay gumaling sa TB.
Mga mensahe para sa TB Task Force (Community volunteer groups) Maging aktibong miyembro ng TB Task Force. Maging bantay ng bayan laban sa TB sa pamamagitan pagre-refer o pagdadala sa DOTS center ng mga taong may ubong 2 lingo o higit pa. Maging treatment partner ng TB patient sa iyong barangay. Humingi ng a sa local na pamahalaan na bigyanng pansin ang mga isyu sa kalusugan, patikular sa TB.
Ipaalam na ang TB ay isa sa mga prioridad na programa ng pamahalaan na malawakang pinatutupad sa bansa natin. Mas maraming makakaalam ng tamang impormasyon tungkol sa TB at sa libreng gamutan sa inyong barangay. Mas marami ang magpapaakonsulta kaagad sa health center pag nakakaramdam ng sintomas ng TB. Magbabago ang mga mailing pananaw ng iyong mga ka-barangay tungkol sa TB At ang pinakamahalaga. MAS MARAMING MAHAHANAP AT MAGAGAMOT SA TB PATIENTS!
Mga Tungkulin ng BHW/CHP 1. Nangunguna sa mga gawaing pangkalusugan sa barangay 2. Hinihikayat at pinapakilos ang komunidad para sa mga gawaing pangkalusugan 3. Bumisita ng regular sa bahay upang mangalap ng batayang impormasyon ng bawat miyembro ng mga pamilyang aking inaalagaan 4. Nagbibigay ng mga mensahen pangkalusugan na akma sa aking kaalaman at kakayahan 5. Tinutukoy ang mga hindi pa natutugunan na pangangailangang pangkalusugan ng bawat miyembro ng mga pamilya aking inaalagaan. 6. Nag re refer ng mga pasyente, miyembro ng pamilya o kliyenye sa midwife sa Health Center para sa serbisyong pangkalusugan
7. Nakikipag-ugnayan sa Midwife upang masigurong makapunta sa health center ang mga pasyente, miyembro ng pamilya o kliyente 8. Tumutolong sa Health Center 9. Nagbibigay ng batayang serbidyong pngkalusugan ayon sa aking kaalaman at kakayahan, na may pagsaalang-alang sa aking limitasyon. 10. Dumadalo sa mga pag-aaral, pag sasanay at mga pulong. 11. Gumagawa at nag susumite ng record sa Midwife at pinangangalagaan ang mga ito.