KAHULUGAN NG PAKIKINIG Ang pakikinig ay isang makapangyarihang intrumento ng komunikasyon na nagsisilbing impluwensya upang makipag-usap nang mabuti (John Marshall). Ito ay kombinasyon ng kakayahang makarinig ng mga tunog at ng paghihintay sa pagiging pagtanggap sa nagsasalita sa anumang pinanggagalingan ng mensahe. Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.
PROSESO NG PAKIKINIG 1. Pagdinig Ito ay ang pagtanggap ng sound waves bagamat di nangangahulugang may ganap na kamalayan sa pinakikinggan. 2. Atensyon Ang mapiling pagtanggap ay tinatawag na atensyon. Maaaring maraming naririnig ngunit mayroong isang tiyak na stimuli na nakapupukaw ng atensyon. 3. Pag-unawa Ito ay ang hakbang na tumutukoy sa pag-aanalisa ng mga kahulugan ng mga tinatanggap na stimuli. 4. Pagtanda sa Mensahe (ing) Ito ay ang bahaging madalas makaligtaan ng ilang communications analyst. Subalit ang bahaging ito ay napakahalaga dahil nangangahulugan lang ito na hindi lang natanggap ng indibidwal ang mensahe kundi nabibigyang-kahulugan pa nito ang nadaragdag sa kanyang iskema o dating kaalaman. 5. Pagtataya (Ebalwasyon) Sa bahaging ito, tinitimbang ng aktibong tagapakinig ang mga detalyeng kanyang napakinggan, natutukoy ang katotohanan sa mga opinyon at natutukoy ang kawalan o pagkakaroon ng bias sa mensahe. Sa puntong ito rin ay nagbibigay ng hatol ang tagapakinig hinggil sa kanyang napakinggan. 6. Pagtugon Ang tagapakinig ay maaaring tumugon sa pamamagitan ng berbal o di berbal na komunikasyon. Sa pamamagitan ng hakbang na ito ay naipapakita na nagkaroon ng ganap na pakikinig.
MGA URI NG PAKIKINIG 1. Impormatib na Pakikinig Isang katotohanan kung bakit tayo nakikinig ay upang makakuha ng impormasyon at mapataas pa ang ating kaalaman sa iba’t ibang larangan. 2. Ebalwatib na Pakikinig Ang ganitong uri ng pakikinig ay ginagawa upang makapag-analisa tayo ng mga impormasyon o magbigay ng paghuhusga mula sa ating mga naririnig. 3. Empatik na pakikinig Madalas nagaganap ang ganitong uri ng pakikinig kung tayo ay nakikinig sa isang taong naglalahad ng kanyang personal na karanasan o saloobin at sinusubukan nating maramdaman din ang nasasaloob nito. 4. Pasibong Pakikinig Ito ang uri ng pakikinig na tumutukoysa pagatanggap ng mensahe ngunit hindi nagpapakita ng anumang reaksyon o tugon mula sa napakinggang mensahe. 5. Pangkasiyahang Pakikinig Nagpapakita ang uri ito ng kaparaan ng tao sa tuwing siya ay nalulungkot sa pamamagitan ng pakikinig ng musika o kaya naman ay pakikinig ng iba’t ibang kwento na maaring makapagbago ng kanyang nararadaman. Tinuturing itong pampalipas oras na pakikinig kasi ito’y isisagawa kapag hindi abala at nagrerelaks lamang ang nakikinig. 7. Kritikal na Pakikinig Ang ganitong uri ay tumutukoy sa pakikinig na may kasamang pagsusuri, pagsasala at pagpapakita ng kontroladong emosyon mula sa mensaheng napakinggan. Isang magandang halimbawa nito ay ang pakikinig sa plataporma ng mga pulitiko bago ang araw ng eleksyon at sa pamamagitan nito'y nagagawa nating suriin kung kaninong plataporma ang higit na kapaki-pakinabang at kapani-paniwala para sa taong bayan. 6. Replektib na Pakikinig Tinatawag itong ib na uri ng pakikinig dahil tumutulong at nakapagpapataas ng moral ng isang tao. Ito’y nangyayari sa tuwing nakikipag-usap tayo sa isang taong may mabigat na problema at sinusubukan nating maipadama sa kanya o maipaabot ang anumang uri ng pag-aalala na kaya nating ibigay.