Magandang araw sa iyong lahat. Ako si John Andrew L. Moquia. Kumukuha ng kursong batsilyer sa sekondaryang edukasyon na nagpapakadalubhasa sa filipino. Sa bidyong ito ay may is akong layunin, iyon ay ang talakayin kung ano ang mga dapat isaalangalang at hindi dapat gawin pag ikaw ay nagtatalumpati. Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwaalaan ang kaniyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Siyempre dapat isaalang-alang ang mananalumpati, dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap pinakikinggan at pinanood ng mga tao. Sunod ang talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito. Higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig. Sunod ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig. upang makapagisip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw ang atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila. Ito naman ang mga Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang maging kaiga-igaya sa mga nakikinig. Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot. Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat laging handa. uminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan nang dagdagan pa upang hindi lumabo at maging paligoy-ligoy Kung maganap ang ppuwang o sandaling mga pagtigil, huwag matakot at mangamba. Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng katawan Huwag mangamba o kabahan, maging tuwid at payak lang sa pakikipag-usap na tila ba ay ginagampanan lamang ng isang kaswal na pakikipagkomunikasyon Iwasang mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang ninanais mong ipabatid sa kanila.