PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES
PANG-UGNAY kataga at salitang ginagamit na tagapagugnay ng mga salita at kaisipan at pahayag sa pangungusap.
MGA URI 1. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. - ginagamitan ng mga katagang na, ng at iba pa
PANG-ANGKOP a. ng – ikinakabit sa salitang nagtatapos sa patinig halimbawa: magandang panukala (maganda+ng panukala)
PANG-ANGKOP a. na – isinusunod sa mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa -n-. halimbawa: matatag na kinabukasan
PANG-ANGKOP a. g – ikinakabit sa salitang nagtatapos sa katinig na n. halimbawa: bayang mapalad (bayan+g mapalad)
MGA URI 2. Pang-ukol (Preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang panggalan sa iba pang salita. - ginagamitan ng mga katagang ang/si, ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay, hinggil sa/hinggil kay, laban sa/laban kay
MGA URI 3. Pangatnig (Conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. - ginagamitan ng katagang tulad ng, kahit na, dahil sa, palibhasa, bukod-tangi, kasi
PANGKAT NG PANGATNIG 1. Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit - nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na nakapag-iisa ginagamitan ng mga katagang at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit Halimbawa: Ang panlabas na kagandahan ay madaling makita subalit ang totoo mong katauhan ay nakikita sa iyong mabubuting gawa.
PANGKAT NG PANGATNIG 2.Nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit - pantulong na sugnay - ginagamitan ng mga katagang kung, nang, upang, kapag, sapagkat, at kaya Halimbawa: Kung ako’y pamimiliin sa kagandahan o katalinuhan, ang pipiliin ko ay katalinuhan.
Hal.
URI NG PANGATNIG 1. Panlinaw - nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayari Hal. Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito ang kaniyang pagbabago.
URI NG PANGATNIG 2. Panapos -nagbabadya ng pagwawakas Hal. Sa wakas kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.
URI NG PANGATNIG 3. Pamukod -may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan Hal. Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa tahanan.
URI NG PANGATNIG 4. Paninsay -kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang una Hal. Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalit naniniwala silang pinagsisihan niya ang lahat.
URI NG PANGATNIG 5. Pananhi -nagsasaad ng kadahilanan at pangangatwiran Hal. Mga takot ang mga anak palibhasa’y takot din ang ina.
URI NG PANGATNIG 6. Panubali - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan Hal. Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.
URI NG PANGATNIG 7. Pantuwang – pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan Hal. Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng pagsisisi nito.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES:
1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain - sumunod, pagkatapos, una, saka at pati. Hal. Unang dumating ang mga binata, sumunod ang mga dalaga, pagkatapos ang mga bata.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES: 2. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita, sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako Hal. Si Gng. Masambong ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahihirap at laging handang tumulong sa nangangailangan. Sa madaling salita, bukas-palad siya sa mga mahihirap.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES:
3. Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng, katulad, gaya, sumusunod, kahalintulad Hal. Maraming magagandang lugar na maaring puntahan ng mga turista, tulad ng Boracay, Baguio, Tagaytay at iba pa.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES: 4. Paglalahat - bilang pagtatapos, bilang pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa, anupat Hal. Bilang pagtatapos, hinahamon ko kayong kabataan na tumulong sa paglilinis at pagpapaganda ng pamayanan.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES: 5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat - sa aking palagay/opinyon, bagaman, subalit Hal. Sa aking palagay, makakapasa ako sa pagsusulit sapagkat nag-aral akong mabuti kagabi.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES: 6. Pagsalungat - ngunit, subalit, samantala at iba pa.
datapwat,
Hal. Umuunlad nga ang agham at teknolohiya ngunit nawawala naman ang magagandang kulturang minana natin sa ating mga ninuno.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES:
7. Pananhi sapagkat
-
kaya,
dahil
sa,
Hal. Dahil sa sobrang traffic hindi ako nakadalo sa miting namin.
PAGSASANAY Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional devices upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu. (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin. 2. (Datapwat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
PAGSASANAY 3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay. 4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang mga darating pa. 5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho sa kaniyang pamilya.