ANG ALAMAT NG LIBRO Noong unang panahon mayroong isang mag-anak na nakatira sa isang baryo. Kakaiba ang pamilyanagito sa ibang naninirahan doon. Sila ay may anak na may pambihirang talino. Sa murang edad lahat ng bagay na makita nya at mahawakan ay alam niya. Ito ay nagsimula habang pinagbubuntis siya ng kanyang ina ay may isang matandang pumunta sa kanilang bahay at nanghingi ng konting makakain at maiinom dahil tatlong araw na itong hindi kumakain. Kumatok ang matanda at sinabing “Ineng, magangadang hapon sa inyo. Maaari ba akong makahingi ng konting makakain at maiinom?” Ang ina ay hindi nagdalawang isip na papasukin ang matanda sa bahay kahit hindi nito kakilala. At binigyan ng pagkain at inumin. Pagkatapos kumain ng matanda At binigyan ng pagkain at inumin. Pagkatapos kumain ng matanda ay nagpasalamat ito at nag tanong, “ilang buwan na yang pinagbubuntis mo?” “kabuwanan ko na ho”, sagot ng ina. Hinawakan ng matanda ang tiyan ng ina at sinabing “sobrang talino ng anak mong ito. Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin at sa pagkai’t inumin mong binigay.” Maya-maya pa nagpaalam na ang matanda at ito’y umalis. Sa mga sumunod na araw hindi na nakita ang matanda na sinasabing diyosa o diwata sa lugar. Isang lingo ang nakalipas, isinalang ng ina ang kanyang panganay na anak at ito’y pinanglanan niyang Robil. Ito ay isang lalaking may bilugang mata, kayumangging kulay, matangos na ilong , at malusog na pangangatawan. Ang lahat ng ito ay namana nya sa kanyang ama. Noong pitong buwan na ito ay marunong na itong magsalita ng tuwid at hindi nabubulol. Dumaan ang mga araw, lingo, buwan at taon na ang munting paslit na si Robil ay nasa tamang edad na para mag-aral. Unang araw pa lamang ng pasukan nakitaan na ng guro ang kakaibang katalinuhan ng batang ito. Dahil sa pagiging kakaiba ni Robil, lahat ng tinuturo ng kanyang guro ay alam na niya. Bago pa ituro ang pagsulat ng letra ay marunong na itong magsulat. Marunong na rin siyang magbasa at magbilang. Inilipat sya sa unang baitang dahil siya ay gifted kung tawagin. Nakailang ulit siyang inilipat ng baitang. Nagsawa ang bata dahil lahat ng ituro ng kanyang guro ay alam na nya. Kaya napagpasyahan ng kanyang
mga mgaulang na hindi na ito mapunta ng paaralan at sa kanilang bahay na lang ipagpatuloy ang pag-aarala o tinatawag na self-study. Bukod sa pagiging matalino, masipag at masunurin din syang anak. Tinutulungan nya ang kanyang mga magulang sa pagtatanim ng gulay at prutas sa kanilang bukid. Pagkalipas ng labindalawang taon nagkaroon siya ng kapatid na lalaki. Gustong gusto ni Robil ang kapatid na ito ngunit kung anong ugali at katangiang meron siya ay kabaligtaran ang meron ang kapatid nya. Hindi ito kasing talino, kasipag ni Robil at laging sinusuway ang kanilang magulang. At dahil dito lagi silang pinagkukumparang dalawa. Ito ang dahilan kung bakit laging galit ang kapatid ni Robil sa kanya. Dumating ang araw na nagkasakit ang kanilang magulang. Dahil na rin sa katandaan ito ay namatay. Silang dalawa na lang ang natira. At dahil tungkulin ni Robil na alagaan ang kanyang kapatid, pagkatapos ng mga Gawain sa bukid ay naisipan nyang isulat ang lahat ng kanyang nalalaman para maituro at maibahagi niya ito sa kanyang kapatid. Idinulat niya ito para kahit hindi nagpunta ang kanyang kapatid sa paaralan ito ay may matututunan. Nnagkasakit si Robil at halos hindi na makatayo. Pero kahit ganun ang kalagayan nya tinuturuan pa rin nya ang kanyang kapatid. Hindi nagtagal ito ay binawian ng buhay. Tinipon ng kanyang kapatid ang lahat ng kanyang naisulat base sa pagkakapare-pareho at pagkakasunud-sunod nito. Tinawag nya itong “libro”, hango sa pangalan ng kanyang kuya. Habang binabasa ang mga naisulat ng kanyang kuya, doon nya nalaman ang kahalagahan ng pagaaral. Naisip nya na nasayang ang mga panahon na kung nag-aral lang siyang mabuti sana naging katulad niya ang kanyang kuya. Lahat ng bagay sa mundong ibabaw ay may katapusan, kaya hangga’t may oras at panahon huwang natin sayangin. Simula noon ang librong ito ay naibahagi nya din sa iba.