Marx Stalin V. Garcia 9-St.Mark
Maikling Kwento sa Asya -
-
Ito ay isang maikling kathang maaring hango sa tunay na buhay o maari namang likha lamang ng mayamang guni-guni ng my-akda. Mula sa mga anyo ng maikling kwento tulad ng alamat at mitolohiya ay umaganap sa Asya, ang maikling kwento sa paglipas ng panahon at pandarayuhan ng mga Asyano ay unti-unting pinalaganap ang mga ito na ibinatay sa iba’t- ibang paksa tulad ng suliraning panlipunan, pag-ibig buhay pamilya at marami pang iba Ang ugat ng maikling kwento ay ang tinatawag daw umano na kwentong bitbit isang uri ng kwentong bunga ng guniguning di kapanipaniwala
Kahulugan -
Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Katuturan -
Ang katuturan ng maikling kwento ay ang pagiging paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito rin ay isang masining na uri ng panitikan.
Kahalagahan bilang bahagi ng panitikan -
Ang kahalagahan ng maikling kwento sa panitikan ay na isa ito sa mga uri ng panitikan na nag bibigay ng mensahe. Ito rin ay naging daan upang umunlad ang panitikang Pilipino na hanggang ngayon ay unti unti paring gumaganda dahil sa mga iba’t ibang uri ng panitikan at isa lang dito ang Maiikling kwento.