ISKEMANG
SUBCONTRACTING
Group 1
Bunsod din ng globalisasyon ay mas naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng mga dayuhan at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa
Dahil dito, mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang mapalaganap ang iskemang globalisasyon.
Ang iskemang subcontracting Ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
Ano ang maganda at hindi magandang epekto nito? MAGANDANG EPEKTO ■ Pagdating sa pananaw ng kumpanya ito ay makababawas ng gastusin sa paggawa o laborcost. Bukod pa rito, para na rin makakumpetensiya ang isang kumpanya batay sa cheaplabor o murang presyo ng lakas paggawa.
HINDI MAGANDANG EPEKTO ■ Ang hindi magandang epekto naman niyo ay sa mga manggagawa dahil pagkatapos ng kontrata ay kailangan naman maghanap ng mga manggagawa ng ibang mapagkakakitaan dahil mababa lang ang pasahod na natanggap at hindi regular ang trabaho.
May dalawang umiiral na anyo ng SUBCONTRACTING ito ay ang : • LABOR-ONLY CONTRACTING • JOB CONTRACTING
1. Ang LABOR-ONLY CONTRACTING na kung saan ANG SUBCONTRACTOR AY WALANG SAPAT NA PUHUNAN upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may DIREKTANG KINALAMAN sa mga gawain ng kompanya.
2. Ang JOB-COBTRACTING naman ANG SUBCONTRACTOR AY MAY SAPAT NA PUHUNAN para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. WALA SILANG DIREKTANG KINALAMAN sa mga gawain ng kompanya.