SINGSPIRATION
Walang Mas Mahalaga
Walang mas mahalaga, kundi Hesus ang purihin Ka, walang mas mahalaga kundi Ang makapiling Ka.
Langit at lupa ay lilipas at mawawala, kaya’t ang lahat ay balewala.

Aanhin ko ang kayamanan, Aanhin ko ang maraming Kaibigan, Aanhin ko ang ginhawa sa buhay, kung ako sa piling Mo’y mawawalay.
Aanhin ko ang karangalan, aanhin ko ang kapangyarihan, aanhin ko ang kasiyahan, kung ako sa piling Mo’y mawawalay.
kung ako sa piling Mo’y mawawalay.
Salamat, Salamat
Salamat, salamat O Hesus sa pag-ibig Mo, Walang ibang nagmahal sakin ng katulad Mo.
Salamat, salamat O Hesus sa pag-ibig Mo, Ako'y magsasaya sa piling Mo.
Kung may pagsubok man o kagipitan Ako ay may lalapitan, Ikaw Hesus ang aking sandigan, Hindi Mo ko pababayaan.
Di ko kayang isipin Hinding hindi ko kayang sukatin, Ang pag-ibig Mo Hesus Na'yong binigay sakin.
Salamat, salamat O Hesus sa pag-ibig Mo, Walang ibang nagmahal sakin ng katulad Mo.
Salamat, salamat O Hesus sa pag-ibig Mo, Ako'y magsasaya sa piling Mo.
Salamat, salamat O Hesus sa pag-ibig Mo, Walang ibang nagmahal sakin ng katulad Mo.
Salamat, salamat O Hesus sa pag-ibig Mo, Ako'y magsasaya sa piling Mo.
Ako'y magsasaya sa piling Mo.
Pusong Dalisay
Pusong dalisay ang aming nais, ang likhain Mo O Diyos, para sa amin. Pusong dalisay ang aming nais, ang likhain Mo o Diyos, para sa amin.
Isang pusong tapat na sa Iyo’y nagmamahal, isang pusong sa Iyo’y walang alinlangan, isang pusong itinitibok na Ika’y parangalan, handog nami’y pagpupuri sa ‘Yo lamang Hesus.

handog nami’y pagpupuri sa ‘Yo lamang Hesus.