PAG-IBIG MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAG-IBIG May matalik na magkaibigan sina Marjorie at John sila’y nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na nila ang isa’t isa. Isang araw ay inaya ni John si Marjorie sa madalas nilang puntahan na lugar may mga punodoon at sariwa ang hangin.”Bes, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong pagsabihan”.nakangiting wika ni John habang nakahawak sa kamay ni Marjorie.”Ano yon?”may pagtatakang tanong nito.”Kami na ni Feliz!”biglang napakayakap si John sabay buhos ng malakas na ulan. Napaluha si Marjorie ngunit hindi iyon nahalata dahil sa ulan.”Masaya ko para sayo”may pilit na ngiti na lumabas sa bibig ni Marjorie. “Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo bes.”bakas pa din ang saya sa mukha ni John.”Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit pa tayo.”may panghihina sa boses ni Marjorie. “O sige, hatid na kita”may pagtatakang wika ni John. Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni John na nagka nobyo na din si Marjorie. Isang araw ay napagpasyahan ni John na dalawin si Marjorie sa kanilang bahay. “Hi Marj. I miss you.”nakangiting wika ni John(Wala na ang dating kinang sa mata ni Marjorie, wala na din sigla lungkot na lamang ang nababakas sa kanyang mukha)wika ni John sa sarili. “Anong ginagawa mo dito?”matamlay na tanong nito.”Gusto kong makita ka bes.”wika ni John. “Para saan pa? Wala na din kwenta magkita man tayo o hindi” may kirot sa bawat bitaw na salita ni Marjorie.”Mahalaga kasi mahal!”natigilan si John.”Ano?? Wala!. Alam mo John humiling ako sa bitwin kahit na alam kong hindi matutupad iyon”umiiyak na umalis si Marjorie. Naiwan pa ding naiwan si John.”Bakit hindi ko naituloy ang nararamdaman ko na mahal…..ko si Marjorie”wika niya sa sarili.
Araw nan g kanilang pagtatapos ay hinahanap ni John si Marjorie ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi daw ito dumalo. May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang buhok na lalaki kay John.”Hi pare, nakita mob a si Marj? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako nga pala ang nobyo niya”wika ng lalaki kay John.”Bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya!”nanlalaking wika ni John.”Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang regalo ko.”at tumalikod na ito. Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si John ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang nabasa “A College Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend” nasabi doon na pinasubok kay MArj ang drugs na kahit na siya’y hindi pa niya natitikman. “Walang hiyang iyon drugs pala ang sinasabi nitong regalo. Magbabayad siya!”pabulyaw na wika ni John.”Na kay Feliz ang atensyon ko ngunit ang dapat kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala na … ang aking bestfriend. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na kaibigan”umiiyak na wika ni John.
KALIKASAN ANG ALAMAT NG TSINELAS Sa isang malayong probinsyang napapaligiran ng mga bundok at napapalibutan ng iba‟t ibang anyong tubig tulad ng talon, sapa at mababatong ilog, isinilang si Tsi. Marahil mayroon siyang mga singkit na mata tulad ng isang Tsino kaya ito na ang pinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang. “Anak, bukang liwayway na, bumangon ka na at maghanda na sa pagpasok mo sa eskwela” gising ng kanyang Ina.
Lumaking masipag na bata si Tsi –ang nag-iisang anak ng mag-asawang si Mang Tarding at Aling Elsa, kaya naman alam n’ya na ang responsibilidad ng isang batang tulad n’ya pagkagising na pagkagising pa lang sa umaga. Bitbit ang maliliit na lalagyanan ng tubig agad na syang pumupunta sa sapa upang punuin ang bangang wala ng laman dahil ginagamit ng kanyang Ina sa paghuhugas ng pinggan sa gabi.“Ina, puno na po ang bangga, nakaligo na rin po ako sa sapa” sabi ni Tsi “Mabuti anak, magbihis ka na‟t kainin mo na ang iyong almusal” sagot naman ng kanyang Ina. Agad namang nagbihis si Tsi pero parang may kulang dahil wala pa s’yang sapin sa paa. Madalas na napupuna ng kanyang Ina ang mga sugat nito sa paa. Malungkot man para sa isang Ina na makitang walang sapin sa paa ang kanyang anak wala naman itong ibang magawa kundi mangako. “Anak pasensya na ha, hayaan mo kapag nakaani ng higit sa regular na dami ang tatay mo at naibenta sa mga negosyante at mamimili sa bayan, makabibili na tayo sa sapin mo sa paa” pangako ni Aling Elsa.“Talaga po Ina? Mainam po iyon dahil hindi na po masusugatan ang mga paa ko sa paglalakad papasok ko sa eswkela” masayang naisagot ni Tsi. “Oo, anak kaya pagbutihin mo pag-aaral mo ha, para mas lalong ganahan ang Tatay sa pagtatraho” wika ni Aling Elsa. “Sige po Ina, aalis na po „ko. Pwede ko po bang kainin na lang sa daan yung almusal ko?” tanong ni Tsi. “Ikaw talaga ang bagal mo kasi kumilos hindi mo na tuloy nakakain almusal mo, O sige mag ingat ka” pabirong
sinabi ng kanyang ina. Masayang lumabas sa bahay ni Tsi dala ang mga nilagang saging na Saba kasama ang pangakong binitawan ng Ina.
Sa paglalakad, halos inaabot ng dalawang oras ang paglalakbay ni Tsi para makapasok lang sa kanilang paaralan. Nakakainip iyon. Mabuti na lang at mayroon s’yang nakasasabay sa paglalakad –si Nel. Kapwa sila nasa ika-apat na baitang ng mababang paaralan ng Bomod-Ok. “O nilagang saging, kain ka” pang-aalok ni Tsi sa kanyang kaibigan. “Sige sayo na lang katatapos ko lang din kumain e,, salamat” tugon naman ni Nel. “Ano namang kinain mo? tanong naman ni Tsi. “Saging din. Pero minatamis na saging” Sagot ni Nel “Wow! Saan naman kayo nakakuha ng asukal?. Bigtime na talaga kayo ha!” pabirong tanong ni Tsi. “Haha! May asukal lang bigtime na agad? Di ba pwedeng nakadiskarte lang ang tatay? Pabiro din itong sinagot ni Nel. Masayang nag-uusap at nagbibiruan ang dalawang magkaibigan habang naglalakad nang mapansin ni Tsi ang sapin sa paa ni Nel. “Wow Nel! May sapin ka na pala sa paa, napaka-swerte mo!” wika ni Tsi. “Akala ko di mo mapapansin e. Binili „yan ni Nanay at Tatay kahapon sa bayan, nakakapanibago nga e”. sagot naman ni Nel. “Nakakainggit naman. Pwede ko din bang subukan „yan?” pagtatanong ni Tsi.“Naku, pasensya na ha, bilin kasi ni Ina na wag ko daw papasuot ito sa iba, bukod kasi sa baka masira agad, baka madumihan pa sa loob… Isa pa, hindi naman tayo magkasukat ng paa di ba?Paliwanag ni Nel.
Malungkot pero nauunawaan naman ni Tsi ang paliwanag ng kaibigan. Sa kanilang paglalakad kapansin-pansin ang pagbabago ng kapaligiran. “Nel, kakaiba na ang tubig ng ilog ng Bumod-Ok ngayon no?nagtatakang tanong Tsi “Oo, sabi kasi ni Tatay gawa daw yan ng pagmimina nila sa taas ng bundok” paliwanag ni Nel. “Pagmimina? Ano namang minimina nila sa bundok?” muling pagtatanong ni Tsi.“Edi ginto. Hindi ko sinasadyang marinig si nanay habang kausap ang tatay kanina, „yan daw yung dahilan kung bakit mas maayos na ang buhay namin ngayon.” Paliwanag ni Nel. “Talaga? Ang galing naman. O tara na tawid na tayo sa ilog” tugon ni Tsi at agad na ring nag-aya sa pagtawid ng ilog. “Teka, huhubarin ko muna sapin ko sa paa baka agusin e” pag-aalala ni Nel kaya hinubad n’ya
muna ito.
Kinahapunan, sa muling pagbabalik ni Tsi sa kanilang tahanan, agad n’yang naikwento sa kanyang mga magulang ang bagong sapin sa paa ng kaibigan n’yang si Nel. “Ina, alam nyo po ba? Si Nel may bagong sapin na sa paa” pagbabalita nito sa Ina. “Talaga anak? Huwag kang maiinggit sa kanya ha” paalala naman ni Aling Elsa. “Nakakainggit nga po e, pero sabi ko naman po sa kanya na bibilhan nyo din ako kapag nakabenta ng madaming gulay si Itay. Totoo ba yun Tay?”patuloy ni tsi at pagtatanong nito sa Tatay. “Ahh e.. sige pagbubutihan ng tatay” sagot naman ni Mang Tarding na may kasamang pagkabigla sa tanong ng anak. “Ayan ang saya! da best po talaga kayo „tay! Sige po mag iigib na po ako pero po sa kabilang sapa na, medyo malabo na kasi yung sa likod, isa pa ginagahan kasi ako mag-igib e!”masayang may kahalong pabida ng anak. “Malabo na ba? Baka dahil yan sa madalas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Sige mag-iingat ka” paalalang sabi ni Mang Tarding.
Dahil sa nagulat si Mang Tarding sa nabanggit ng anak tungkol sa sapin sa paa, kaya nagkausap ang mag-asawa. “Mahal, hindi mo dapat pinapangakuan ang anak natin ng ganyan, sa kadahilanang baka hindi na‟tin ito matupad, baka sumama pa ang loob di ba?”wika ni Mang Tarding. “Alam mo namang binibigyan ko lang ng pag-asa ang anak na‟tin Tarding, sa ganoon mas lalo syang magsipag kahit pa ilang kilometro ang nilalakbay nya makapag-aral lang”paliwanag ni Aling Elsa. “Haaay.. Alam mo Elsa parang gusto ko na ngang tanggapin yung alok ni Mang Isko sa itaas ng bundok para magmina, nang guminhawa naman ang buhay natin”salaysay ni Mang Tarding. “Naku Tarding, kakayanin mo ba iyon?”Pag-aalalang tanong ng asawa. “Susubukan ko nang matupad naman natin yung kahilingan ng bata kahit yung sapin man lang sa paa” sagot ni Mang Tarding.
At ‘di nga nagtagal tinanggap na rin ni Mang Tarding ang trabaho sa minahan. Kaya laking tuwa ni Tsi isang umaga nang nakita n’yang mayroong bagay nakabalot sa tabi ng kanyang unan. Nagulat na lang siya sa kanyang pagbubukas nang nakita nya ang isang asul na sapin sa paa. Agad nyang pinasalamatan ang kanyang mga magulang at agad ding isinuot pangpasok sa eskwela. Sa pagpasok sa eskwela, muli na naman silang nagkasabay ni Nel “Aba Tsi! Asensado na rin kayo ha! May sapin ka na rin sa paa” masayang sinabi ni Nel. “Tama nga sabi mo, malaki nga ang kita sa minahan. Salamat sa Tatay mo ha” sagot ni Tsi. “Sabi ko sayo e!” Masayang tugon ni Nel.
Kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi lang ulan kundi mabilis na pagtaas ng tubig –isang mabilisang pagbaha. “Naku Nel! Kailangan na nating magmadali tumataas na ang tubig sa ilog” pangambang sambit ni Tsi. Sa bilis ng agos ng tubig sa Ilog, naging mabilis din ang pangyayari sa dalawang batang magkaibigan. Sa pagmamadali nilang makatawid nadulas si Nel sa bato sa gilid ng Ilog. “Tsi, tulungan mo ko!”nagmamakaawang sigaw ni Nel. Hindi naman nagdalawang isip si Tsi para tulungan ang kaibigan nito. “Hawakan mo kamay ko, kumapit ka lang, huwag kang bibitaw!” wika ni Tsi. Isa pang rumaragasang tubig ang sumaklob sa magkaibigan upang kapwa sila lamunin ng tubig. Sa huli, hindi na sila muling nasilayan maliban sa magkabilang pares ng sapin sa paa ni Tsi at Nel. Ikinalungkot iyon ng buong baryo ng Bumod-Ok. Lalung-lalo na ang pamilya ni Tsi at Nel. Wala silang ibang masisi bukod sa sarili kundi ang minahan na naging bunsod ng sakuna. Nawala na kasi ang mga punong sumisipsip ng tubig tuwing umuulan. Nadaragdagan pa ang lupa sa ilalim ng tubig mula sa pagmimina sa taas ng bundok kaya mas lalong bumababaw ang tubig na nagiging sanhi upang maging mabilis at tumaas ang mga agos ng tubig sa ilog. Naging aral iyon sa buong baryo kaya gumawa sila ng paraan upang matigil at maipasara na ang minahan. Nagkaroon naman ng ibang pagkakakitaan ang baryo bukod sa pagtatanim, -ito ang turismo. Bumalik sa dating ganda ang ilog lalung-lalo na ang talon ng Bumod-Ok at dumami ang turista. Naging dahilan ito upang magkaroon ng pondo ang baryo para mabigyan ng mga sapin sa paa ang mga masisipag na batang tulad ni Tsi at Nel –ang mga batang kinuha ng kalikasan nang madulas sa minsang pag-ulan sa baryo. At ang mga sapin sa paang iyon ay tinawag na Tsinelas (Tsi+Nel+Dulas) bilang pagalala sa mga batang naging daan para lubos na maunawaan ng mga tao ang delubyong pwedeng maging sanhi ng ‘di responsableng pagmimina.
PABULA BUTIKI AT IPIS Sa malawak na dingding na makinis, Dito unang nag-peys-to-peys Ang malikot na butiki at lagalag na ipis. At ito ang kwento na di alam ng pulis. “Saan ang tungo mo palaboy na ipis, Bakit di ka mapakali, ngayong gabi ay nakabihis?” Ako’y palakad-lakad, matanong na butiki, Upang maghanap ng pagkain, kahit na panis. Maitanong ko lang, matanong na butiki, Saan ang daan tungo sa kusinang, nangingitim sa dumi? “Yun lang ba, palaboy na ipis, Ang kusina’y nasa unahan ng buntot kong matulis.” Sala-salamat, matanong na butiki, Ako’y humahanga sa mabuti mong ugali. “O siya-siya, palaboy na ipis, Baka di mo na maabutan ang gabing paalis.” At ipis ay humakbang, dumaan sa harap ng butiki, Ang sumunod na pangyayari ay di kapuri-puri. Ang naglalakad na ipis, sinagpang ng butiki! At ito ang kwento na di alam ng pulis.
PARABULA ANG MABAIT NA SAMARITANO Isang lalaki ang naglakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Sa daan ay hinarang siya, pinagnakawan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos wala nang buhay ng masasamang loob. Isang pari ang napadaan kung saan nakahandusay ang lalaki. Ngunit nang makita niya ang lalaki, sa kabilang gilid ng daan siya lumakad. Ganito rin ang ginawa ng isang napadaang Levite. Isang Samaritanong naglalakbay ang napadaan at nang makita nito ang lalaki ay nakadama ito ng labis na pagkaawa. Nilapitan niya ang lalaki at tinulungan ito. Pinahiran niya ng langis at alak ang mga sugat ng lalaki at saka binendahan. Pagkatapos ay isinakay niya ito sa kanyang kabayo at dinala sa isang otel kung saan niya inalagaan ang wala pa ring malay na lalaki. Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano ay binigyan niya ng dalawang pilak ang namamahala sa otel at ipinagbiling alagaan ang lalaki. "Alagaan mo siya at sa pagbabalik ko ay babayaran ko ang lahat ng magagastos mo sa kanya."
SANAYSAY BAKIT BAWAL? “ Hindi mo ako pwedeng maging kasintahan pero hindi na ngangahulugang hindi kita minahal”. Nakalulungkot ngunit sa ganitong paraan natuldukan ang kwento ng pag-ibig ng dalawa kong kaibigan. Kung babalikan ang kanilang nakaraan ay hindi mo iisiping ganuon nalang ang magiging katapusan ng kanilang pag-iibigan. Bata pa lamang kami ay talagang sila na ang laging magkalaro, nagkakaintindihan at magkakampihan. Kung minsan nga ako ang kaaway nila at nakakaya nilang hindi ako pansinin sapagkat dalawa silang magkakampi. Ngunit habang tumatagal ay mayroon akong napapansin na parang mali. Marahil ay dahil sa bata pa kami at puro mga babae ang kaniyang mga kapatid. Patuloy na lumipas ang panahon at lalong napatatag ang samahan ng bawat isa lalo nang nasa ikalimang baitang kami sa elementarya. Nagkaroon ng camping sa Casiguran Aurora sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasira ang sinakyan naming bangka at napadpad sa isang isla na hindi matalos kung ano ang pangalan. Ang hinuha ng bawat isa ay kamatayan na nang lahat. Ngunit naging dahilan ito upang malaman ng dalawa kung sinu at anu nga bang pagkatao meron sila. Sabila ng pangyayaring iyon ay pinilit parin ng isat-isa ang makabangon muna sa nakatatakot na karanasang iyon. Ang ilan ay nangakamatay at karamihan ay nagkasakit dahil sa labis na gutom na naranasan. Masalimuot ang karanasang iyon para sa nakararami ngunit para sa dalawa ito ang naging mitsa ng kanilang pagmamahalan. Pagmamahalang umusbong sa lugar kung saan nasubok kung gaano nga ba kahalaga ang isat-isa para sa kanila. Dito sila naging malaya at walang takot na nasabi ang nararamdaman nila sa isatisa. Alam nilang mali ngunit wala silang magawa dahil ito ang sigaw ng kanilang puso at damdamin. Sa katunayan nga ay mayroon pang tula na nalikha ang dalawa. D - ahil sa mahal kita A - lay ko ay pagsinta R - umaragasang luha H - ahaplusin pagnawala ka Y - aong puso‟y mawawala L - alamunin na ng tadhana.
Napakaikling tula ngunit napakalalim ng kahulugang ipinahihiwatig. Ang pag-iibigan ng dalawang taong ninanais maging malaya at maipakita sa lahat na sila ay nagmamahalan. Ngunit hindi pala ganuon kadali ang lahat, sapagkat akala nila ay mauunawaan ng mga taong nakapalibot sa kanila ngunit isang pagkakamali pala ang kanilang inakala.
Naging matamis ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa ngunit habang tumatagal ay tila mayroong isang bagay na unti-unting humahadlang at kadalasang nagiging dahilan kung bakit hindi nila maipamalas sa lahat ang kanilang pagmamahalan. Ito ang isang bagay na hindi nila maunawaan kung bakit ang mundo ay sadyang mapanghamon, mapanghusga at nanunudya. Hindi lang ang kanilang katayuan ang naging hadlang kundi maging ang panahon kung saan hindi pa tanggap ng mga tao ang kanilang relasyon. Kaya wala silang ibang magawa kundi itago ito. Lubos kong natalos at nasabing may relasyon nga silang dalawa ng dumating ang aking ikalabinwalong kaarawan at nagkaroon ng kaunting inuman. Sa aming bakuran habang ako ay nagliligpit ng mga gamit ay nakita ko sila sa isang sulok at mula sa kinatatayuan ko ay natanto kong mayroon silang bagay na pinag-uusaapan. Tila ba pigil ang tawa ng bawat isa na halos ayaw nilang may makaalam at makarining ng kanilang pinag-uusapan. Hanggang sa bigla silang tumahimik at ang mga salitang dapat sana ay magmula sa kanilang mga labi ay dumaloy sa kanilang mga ugat patungo sa kanilang isip na tila nag-uutos. Hindi nagtagal ang kanilang pananahimik at ako ay naging buhay na patotoo sa dahan-dahang paglapat ng kanilang mapupulang mga labi. Mula sa aking kinatatayuan ay nais kong lumubong at matabunan ng mga lupa. Hindi roon natatapos ang kwento ng dalawa kong kaibigan. Minsan ay mayroon kaming proyekto sa asignatura Filipino kung saan ay kinakailangan naming gumawa ng isang pagtatanghal. Upang mapaghandaan ito ay kinakailangan naming makitulog sa isa naming kamag-aral upang duon ay maging maganda ang aming pagtatanghal mula sa aklat ng Ibong Adarna. Nagkaroon ng problema ang aming grupo sapagkat ang paaralang aming pinapasukan ay isang paaralan para sa mga lalaki lamang. Ang tauhan sa kwentong Ibong Adarna ay hindi puro mga lalaki lamang kaya wala gaganap sa papel bilang si Prinsesa Leonora. Kaya napagkasunduan ng grupo na magbunutan upang malaman kung sino ang gaganap bilang sa Prinsesa Leonora at Don Juan. Nagkataon na ang dalawa kong kaibigan ang mapalad na nagging si Don Juan at si Prinsesa Leonora. Habang nagsasanay kami ay nakita nanaman namin na ang dalawa ay nag-sasarili at parang may sariling mundo. Duon ay nagkakantahan sila habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Natatandaan ko pa ang mga salitang iyon…
“ Dahil sa piling mo lagi kasaya ng aking puso para bang ako‟y nasa langit na ang paligid ang ligaya. Ngunit kung ito ay panaginip ayoko ng magising ang pag-ibig ko‟y patuloy at aaminin ko sayo SARANGHE.” Ito ay ilan lamang sa mga salitang natandaan ko, magkasabay na kinakanta ng dalawa ang kantang ito. Patok na patok ang kantang ito noon kung saan ay ginamit ang salitang SARANGHE na mula sa salitang korea at nangangahulugang MAHAL KITA. Kaya ganuon na lamang ang pagtataka ng aming mga kamag-aral. Dahil sa kaganapang iyon kumalat sa buong paaralan ang balita hanggang ito ay makarating sa kanilang mga magulang at pilit silang pinsaghihiwalay. Ito ang pinaka mahirap na pagsubok na kanilang naranasan patungkol sa kanilang pagmamahalan. Gusto nilang kumawala sa kamay ng kanilang mga magulang ngunit wala silang magawa sapagkat alam nila na mali ang ganuon. Sumapit ang araw ng aming pagtatapos. Nagulat ang lahat sapakat ang isa sa dalawang pinakamagaling sa klase ay hindi dumalo. Habang nagpapatuloy ang programa ng aming pagtatapos ay natatalos ko ang bahid ng kalungkutan sa mukha ng aking kaibigan sapagkat wala ang kaniyang pinakamamahal na naging katuwang at katulong sa pag-aaral. Kaya nga sila ang itinalaga bilang pinakamagaling na magtatapos ng taon na iyon dahil lagi silang magkasama at magkagrupo sa mga gawain sa paaralan. Akala ko ganun nalang talaga kasakit ang magiging katapusan ng pag-ibig ng dalawa. Subalit nagkaroon ng kaunting pagbabago ng sa kalagitnaan ng programa ay tumawag ang aking kaibigan at sinabing ilang oras nalang at lilipad na ang eroplanong kanyang sasakyan patungo sa ibang bansa at duon ay ipagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Hindi sinayang ng aking kaibigan na nasa programa ang mga sandaling iyon. Hindi na niya hinintay na maisabit sa kanyang mga leeg ang medalya ng tagumpay bagkus ay kumaripas nalang ito ng takbo at tinungo ang paliparan kung saan naroon ang isa ko pangkaibigan. Pagdating namin sa paliparan ay akto nang tatayo ang aking kaibigan upang pumunta sa eroplanong kanyang sasakyan patungong ibang bansa. Muntik na naming hindi siya maabutan, ngunit mabait parin ang Diyos sapagkat hindi niya hinayaan na ganuon nga ang mangyari bagkus ay hinayaan niya na makapag-usap ang dalawa at magkapaalamanan... “ Aalis na ako, gusto nila mama at papa na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa ibang bansa upang mas maging maganda ang aking kinabukasan.” Lungkot na lungkot na wika ng isa. “ ok lang iyon… alam ko naman na hindi talaga pwede ang nais natin sapagkat labag ito sa maraming bagay. Mag-iingat duon ah” Tugon naman ng isa na nanggigilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.
“ Tunay na kaylangan ko itong gawin para rin sa aking sariling kapakanan ngunit nais ko na iyong malaman ang katotohanang … “Hindi mo ako pwedeng maging kasintahan…pero hindi na ngangahulugang hindi kita minahal”.